• Home   /  
  • Archive by category "1"

Essay Tungkol Sa Kalusugan

Ang kalusugang pampubliko ay ang agham at sining ng pag-iwas at pagpigil sa mga karamdaman, pagpapahaba ng buhay, at pagtataguyod ng kalusugan sa pamamagitan ng itinatag na mga pagsusumikap at mga gawain at maalam na mga pagpili ng lipunan, mga samahan, publiko man o pribado, mga pamayanan at mga indibiduwal (1920, C.E.A. Winslow).[1] Samakatuwid, layunin ng kalusugang pampubliko ang matabanan o makuntrol at maiwasan ang pagkakaroon ng sakit at mapanatili ang kapaligirang malusog para sa lahat.[2] Tinatawag din itong kalusugang pangmadla, kalusugang pambalana, kalusugang pangmasa, o kalusugang pambayan. Nagbibigay-pansin ang kalusugang pampubliko sa mga banta sa pangkalahatang kalusugan ng isang pamayanan batay sa pagsusuri ng kalusugan ng populasyon. Ang tinutukoy na populasyon ay maaaring kasingliit ng isang mabibilang na dami ng mga tao o kasinglaki ng lahat ng mga naninirahan sa ilang mga kontinente (halimbawa na kaso ng pandemiko). Kalimitang nahahati ang kalusugang pampubliko sa epidemiyolohiya, biyoestadistika, at palingkurang pangkalusugan (serbisyong pangkalusugan). Mahahalagang kabahaging mga larangan din nito ang kalusugang pangkapaligiran, panlipunan, pang-ugali, at panghanapbuhay. May dalawang natatanging mga katangian ang kalusugang pampubliko:

  • Tumutuon ito sa pag-iwas sa halip na pagbibigay-lunas na aspeto ng kalusugan;
  • Tumutuon ito sa antas ng populasyon, sa halip na mga paksa ng kalusugan na nasa antas ng indibiduwal.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Nagsimula ang diwa ng kalusugang pampubliko mula sa sinaunang mga taong nagpahalaga sa kalinisan ng pamayanan. Sumusunod sa mga batas na pangkalinisan at pangkalusugan ang sinaunang mga Hudyo. Natuklasan ng sinaunang mga Griyego na may kaugnayan ang hanging sinasamsam ng katawan, ang tubig na iniinom ng bibig, at ang pook na pinaninirahan nila sa pagkakaroon ng mga karamdaman. Nagtatag ang sinaunang mga Romano ng mga sistema ng mga imburnal na nagtatanggal ng maruming tubig at mga dumi, at pati na mga sistema ng mga kanal ng tubig na nagdadala ng malinis at sariwang mga tubig sa mga lungsod at mga bayan.[2]

Noong Gitnang mga Panahon sinalanta ng mga salot at iba pang mga karamdaman ang mga tao dahil sa pamumuhay na siksikan sa loob ng napapaderang mga lungsod at mga bayan na may maduming mga tubig na inumin, at kung saan kasama rin sa pinamamahayan ng mga tao ang mga alagang hayop. Ganito ang sitwasyon ng pamumuhay hanggang sa pagsapit ng ika-18 daang taon. Noong panahon ng Rebolusyong Industriyal, isa sa pinakamahalagang kaunlaran sa larangang kalusugang pampubliko ang pagkakaimbento ni Edward Jenner sa bakunang panlaban sa bulutong noong bandang 1798.[2]

Noong 1848, itinatag sa Inglatera ang Pangkalahatang Lupon ng Kalusugan (General Board of Health), na naging daan sa pagkakaroon ng Ministriya ng Kalusugan ng Britanya noong 1919. Sa Estados Unidos, sinimulan sa Boston noong 1850 ang unang pag-aaral ukol sa mga kalagayang pangkalusugan. Noong 1866, nilikha sa Bagong York ang Metropolitanong Lupon ng Kalusugan (Metropolitan Board of Health). Noong 1869, nagkaroon ng sariling Lupong Pangkalusugan ang estado ng Massachusetts. Noong 1953, itinatag ng pamahalaan ng Estados Unidos ang Kagawaran ng Kalusugan, Edukasyon, at Kapakanan (Department of Health, Education, and Welfare).[2]

Mga lathalain[baguhin | baguhin ang batayan]

Sa Pilipinas[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Kalusugang Pampubliko sa Kolonyal na Maynila 1898-1918 na inakdaan ng manggagamot at historyador na si Ronaldo B. Mactal ang isa sa kauna-unahang pagtatangka na pagsama-samahin ang mga larangan ng heograpiya, medisina, at kasaysayan upang talakayin ang kalusugan sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas. Sinuri ni Mactal sa aklat na ito ang mga patakaran at programang pangkalusugan ng pamahalaang kolonyal ng Estados Unidos sa lungsod ng Maynila magmula 1898 hanggang 1918, kasama ang impluwensiya ng kapaligiran dito. Pinanindigan ng may-akda ang paniniwalang kinasangkapan ng mga kolonyalista ang kalusugan, lalo na sa lungsod ng Maynila upang mapangalagaan at mapasulong ng kanilang layunin sa pananakop sa Pilipinas.[3][4]

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. ↑C.-E. A. Winslow, “The Untilled Fields of Public Health,” Science, n.s. 51 (1920), p. 23.
  2. 2.02.12.22.3"Public health". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977. , Bolyum para sa P, pahina 502.
  3. Kalusugang Pampubliko sa Kolonyal na Maynila 1898-1918 ni Dr. Ronaldo Mactal, uppress.com.ph
  4. Kalusugang Pampubliko sa Kolonyal na Maynila 1898-1918 ni Ronaldo B. Mactal, nationalbookstore.com

ANG ISYU SA KALUSUGAN

PINAKAMAHALAGA sa pansariling pangangailangan ng mga Pilipino ang kalusugan, ayon sa resulta ng Pulse Asia survey na isinagawa noong nakaraang Disyembre.

Batay sa survey, itinuturing ng halos dalawa sa bawat tatlong Pilipino (63 porsiyento) ang kalusugan nila bilang pangunahing pangangailangan. Kasama ito sa iba pang pansariling isyu gaya ng pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay (44%), edukasyon (41%) at sapat na pagkain araw-araw (41%).

Nabatid din sa mga pag-aaral ng Pulse Asia at Social Weather Stations (SWS) na bagamat matatag ang ekonomiya at bumababa ang antas ng kahirapan at gutom, 41% pa rin ng ating mga mamamayan ang nag-aalala sa kakainin araw-araw.

Nauunawaan ko ang damdaming ito dahil bata pa ako ay nakita ko na ang hirap na dulot ng kawalang-katiyakan kung may sapat na pagkain sa hapag.

Kung minsan, ang aming malaking pamilya ay naiibsan ang gutom sa pagkain ng kanin at Purico, isang kilalang tatak ng mantika, na inihahalo namin sa kanin at kaunting asin.

Ngunit ang ibig kong talakayin ngayon ay ang nauukol sa kalusugan. Maraming indikasyon na marami pang dapat gawin upang magkaroon ng mataas na uri ng sistema sa healthcare, o pangangalaga sa kalusugan na abot ng lahat ng mamamayan.

Batay sa estadistika mula sa World Health Organization (WHO) at Department of Health (DoH), ang mortality rate sa Pilipinas ay umaabot sa 204 sa bawat 100,000 isinisilang noong 2015. Napakataas nito kung ihahambing sa hangarin sa ilalim ng Millennium Development Goals na 52 namamatay sa bawat 100,000 isinisilang.

Ayon pa rin sa WHO at DoH, 75,000 mga bata (may gulang na mababa sa limang taon) ang namamatay bawat taon. Hindi ito katanggap-tanggap. Anuman ang kalagayan ng ekonomiya at lipunan, dapat mabigyan ng mataas na uri ng pangangalaga sa kalusugan ang mga ina at supling.

Kaugnay ng isyung ito ang pagtatayo ng mga ospital. Batay sa tala ng DoH, noong 2009 ay may kabuuang 94,199 hospital bed ang Pilipinas, o 1.04 sa bawat 1,000 Pilipino. Mababa ito sa rekomendasyon ng WHO na 20 hospital bed sa bawat 10,000 populasyon.

Kung titingnan ang tala batay sa mga rehiyon, makikita ang malaking pagkakaiba sa pagitan ng mga rehiyon. Ang National Capital Region (NCR) ay may 2.47 hospital bed sa bawat 1,000 populasyon samantalang ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ay mayroon lamang 0.17 hospital bed sa bawat 1,000 populasyon; ang CARAGA ay may 0.70/1,000; at ang Bicol Region ay… may 0.76/1,000.

Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit sinusuportahan ko ang pagsisikap ng administrasyong Duterte na desentralisasyon ng kaunlaran sa mga lalawigan at ang pagdaragdag ng kapangyarihan sa nga lokal na pamahalaan.

Kamakailan, ang aking kumpanya ay pumasok sa larangan ng healthcare sa pamamagitan ng pakikipagkasundo sa UNIMED, isang asosasyon ng mga doktor, upang pamahalaan ang unang isang dosenang ospital sa bansa.

Ipinahayag ko noong nakaraang taon na ang unang sangay ng Vitacare UNIMED Hospital and Medical Center ay itatayo sa lupain ng Vista Land & Lifescapes, Inc. sa Daang Hari, Las Piñas.

Ang proyektong ito ay hindi lamang bahagi ng pagpapalawak sa aming negosyo, kundi upang makatulong sa pagbibigay ng mataas na uri ng paglilingkod sa larangan ng kalusugan.

(Ipadala ang reaksiyon sa: mbv.secretariat@gmail.com o dumalaw sa www.mannyvillar.com.ph) (Manny Villar)

Related

Tags: Opinyon

One thought on “Essay Tungkol Sa Kalusugan

Leave a comment

L'indirizzo email non verrà pubblicato. I campi obbligatori sono contrassegnati *